Edwards umiyak sa draft

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Natuloy din nitong Miyerkoles ang 2020 NBA Draft na makailang ulit na-postpone dahil sa coronavirus pandemic.

Unang iniskedyul noong June 25, na-delay ang draft at napatalsik sa karaniwan nitong tahanan sa Barclays Center sa Brooklyn.

Nasa ESPN headquarters sa Bristol, Connecticut si commissioner Adam Silver, doon tinatawag ang picks.

Wala ang dating family table sa green room na tinatambayan ng draftees, hindi rin sila umakyat sa stage. Ang top prospects, pinadalhan ng boxes ng caps para isuot kapag tinawag ang pangalan.

Ang mga hopeful, nasa kani-kanilang bahay lang.

Nanonood ng proceedings si Anthony Edwards, naiyak katabi ang portraits ng ina at lola nang tawagin ng Timberwolves bilang No. 1 pick. Parehong namatay sa cancer ang ina at lola niya.

May ilang players pa ring todo ang bihis kahit nasa bahay lang. Ang No. 12 pick ng Kings na si Tyrese Haliburton, may ‘Black Lives Matter’ sa loob ng blue floral suit.

Nang tawagin ng Magic sa No. 15 si Cole Anthony, nagtalunan ang ilang obvious na celebrity fans niya sa pangunguna ni movie director Spike Lee. Dating naglaro sa Knicks ang tatay ni Cole na si Greg.

Naiyak si Onyeka Okongwu nang tawagin sa No. 6 ng Hawks. Naalala raw niya ang kapatid na namatay sa skateboarding accident noong 2014.

Emosyonal si Obi Toppin nang kunin ng Knicks sa No. 8. Sa Brooklyn siya pinanganak, kaya importanteng sa New York siya maglaro. (Vladi Eduarte)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here