D’VOLTES SINAS KARAPAT-DAPAT NA CHIEF PNP

0
1

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

WALANG-SILBI ang ano pang pagrereklamo sa pagkakatalaga ni Presidente Duterte kay P/Maj.Gen. Debold Sinas bilang bagong Chief of the Philippine National Police (PNP).

Pribilehiyo ng Pangulo yan, period.

Walang nakita si Manong Digong na sapat na dahilan para sibakin si Sinas kaugnay ng kontrobersya sa mańanita na isang paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) rules noong Mayo.

Sinisi ng Pangulo ang mga tauhan ni Sinas na noo’y NCRPO chief sa tradisyunal na mańanita bilang pagdiriwang sa ika-55 kaarawan ng heneral sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Bagaman nag-trending sa social media ang mga photo ng naturang birthday party, iginiit ni Manong Digong na isang mabuting tao at ulirang pulis si Sinas kaya inako na nya ang anomang pagkukulang nito.

Bagaman, isinulong ng PNP Internal Affairs laban kay Sinas at iba pang pulis sa Taguig Prosecutors Office ang criminal and administrative charges for violation of Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

At dahil sinoman ay “deemed innocent until proven guilty,” bigyan naman natin siya ng benefit of the doubt para patunayan ang kanyang sarili bilang lider ng 200,000-strong PNP sa loob ng anim na buwan.

Ilang linggo lamang makaraan ang mańanita controversy, ang dating Brig. Gen. Sinas ay na-promote bilang Major General, mula sa Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987, kaklase ni P/Lt.Gen. Guillermo Eleazar.

Buo ang pagtitiwala ni Manong Digong na si Sinas ay karapat-dapat maging Chief PNP na tutugis sa mga kilabot na druglords.

Ayon sa aking mga bubwit sa Camp Crame, si Sinas ay noon pa napipisil ng Pangulo na maging Chief PNP nang magretiro si General Archie Gamboa ngunit kailangang pagbigyan din si General Camilo Cascolan na umupo.

Dinedma ni Manong Digong ang mga kritiko na nagsabing walang “moral authority” Sinas dahil sa paglabag nito sa ECQ rules sa social gathering na sinunod ng madla nang maraming buwan.

Walang kwenta rin sa Pangulo ang bansag kay Sinas na “berdugo” kaugnay ng pagpatay sa mga suspected drug dealer sa Central Visayas noong siya ang regional police chief.

Sa ilang pagkakataon ay nakairingan din ni Sinas ang ilang miyembro ng news media dahil sa mahigpit na patakaran ng opisyal.

Sa halip, lalo pang nagustuhan ni Manong Digong ang matigas na karakter ni Sinas.

Sa kanyang simpleng oath taking, nangako ang bagong hirang na Chief PNP na tagahanga ng Japanese superheroes na Voltes V na tutupad siya sa tungkulin sa salita at sa gawa.

Mukhang nememeligro ang mga Ninja Cop at Hulidap at high-value illegal drugs dealers.

Mabuting bigyan natin ng pagkakaton itong si Chief PNP General DeVoltes V Sinas para patunayan ang kanyang liderato sa gitna ng pandemya.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here