Driver pinakain ng bala

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Pinatapos lamang kumain ang isang driver at saka ito walang awang pinag-babaril ng mga hindi nakilalang suspek sa Sariaya, Quezon noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima si Allan Junio, 44, na nagtamo ng mga tama ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report ng Sariaya police, katatapos lamang kumain ng biktima at ng mga kasama nito sa loob ng isang compound sa Brgy. Guis-Guis Talon nang pumasok ang dalawang suspek.

Tinanong muna ng mga suspek kung sino sa grupo ang Allan Junio at nang sabihin ng biktima na siya, ay bigla na lamang itong pinagbabaril.

Bago tumakas umalis ang mga suspek, kinumpiska pa ng mga ito ang driver’s license, susi ng motorsiko, at cellphone ng isa sa mga nakasaksi na si Alvin Abad.

Tumakas ang mga suspek at sumakay sa naghihintay na kotse. Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (Ronilo Dagos)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here