DOH bilib kay Isko sa paglaban kontra COVID

0
0

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Humanga si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga hakbang na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila para masugpo ang COVID-19 pandemic.

“Ako po ay humahanga sapagkat sinusunod po ng pamunuan ng Maynila ang lahat ng mga panuntunan, lahat po ng mga abiso mula sa Department of Health at ang aking pong panawagan ay sumunod lang po tayo. Iyan lang po ang ating taglay na proteksyon,” pahayag ni Duque sa gitna ng pag-iinspeksyon nila ni Mayor Isko Moreno sa Divisoria.

Nanawagan ang dalawang opisyal sa mga nagtitinda at namimili sa Divisoria na sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, at pag-obserba sa social distancing. (IS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here