DENR NAGBIGAY NG P359,000 CALAMITY DONATION SA KAGAWARAN NG KALIKASAN

0
1

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

IBINIBIGAY ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu (panglima sa kanan) kay National President Joselyn Sarile  ng Kalipunan ng mga Kawani sa Kagawaran ng Kalikasan (K4) (panglima sa kaliwa) ang calamity donation na nilikom ng DENR management na nagkakahalaga ng P359,000.

Layunin ng donasyon na matulungan ang mga empleyado ng DENR na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly partikular na sa mga probinsiya ng Catanduanes at Marinduque.

Katuwang ni Cimatu sa ginanap na turn over noong Nobyembre 5 sa OSEC Conference Room, DENR Main Building, Visayas Avenue, Quezon City si Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda (nasa dulong kanan).

Kabilang sa larawan sina (mula sa kaliwa) Alvin Legaspi at Wilhelmina Diez, miyembro ng K4 Secretariat at DENREU Central Office, Administrative Service Director Rolando Castro; K4 Treasurer at LMB Union President Engr. Beato Cefre, Jr.; BMB Union President Elpidio Gelera; DENREU Director Ethel De Guzman; at DENREU President Alvin Gatbonton.

Kasama naman sa nakibahagi sa pamamagitan ng Zoom sina K4 Chairperson Emma Delima, mga DENR Regional Union Presidents at dating K4 Presidents, Atty. Camilo Garcia, Atty. Alvin Constantino at Juan Evangelista.

-ooOoo-

DENR NAKIPAGPULONG SA TAYTAY LGU AT GRUPO NG MANGINGISDA UPANG GAWING PAGKAKITAAN ANG WATER LILY

Tinatalakay ni Environment and Natural Resources Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda (pang-apat sa kaliwa) kay Taytay City Mayor George Ricardo Gacula, II (dulong kanan) ang lumalalang problema sa pagdami ng water lily sa mga katubigan sa paligid ng Taytay City.

Matapos ang pakikipag-usap sa alkalde noong Oktubre 26 ay pinulong naman ng DENR officials ang Samahan ng mga Mangingisda sa Lawa ng Taytay (SMALT) upang pag-usapan ang mga paraan kung paano makatutulong ang mga mangingisda na mabigyang solusyon ang problema ng mabilis na pagdami ng water lily at kung paano ito posibleng pagkakakitaan.

Kabilang din sa larawan sina (mula kaliwa) River Basin Control Office Deputy Executive Director Rabindranath Quilala, Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO)-Rizal Isidro Mercado at PENRO-Rizal Planning Office Marilyn Paunil.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here