DeMarcus Cousin lumundag sa Rockets

0
5

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

LOS ANGELES – Pormal nang pumirma si dating All-Star center DeMarcus Cousins ng one-year deal sa Houston Rockets matapos hindi na i-renew ng  Los Angeles Lakers ang kanyang kontrata.

Ayon sa insider, mababa lang umano ang alok na kontrata ng Rockets kay Cousins na hindi nakapaglaro noong nakalipas na season matapos mapunit ang ACL sa kanyang kaliwang tuhod na natamo nito habang naglalaro sa Lakers.

“Grateful for the opportunity and excited for what’s ahead,” ani Cousins.

Matatandaang naging four-time All-Star sa Sacramento Kings at New Orleans Pelicans ang 30-year-old na si Cousin kung saan nagtala rin ito ng career average na 21.2 points, 10.9 rebounds at 3.2 assists per game.

Bukod kay Cousins, kukuhanin din ng Houston si dating Detroit Pistons center Christian Wood sa ilalim ng three-year deal na $41 million.Rico Navarro

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here