DBM ilalabas ang quick response fund ng DSWD – Bautista

0
11

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Ilalabas na ng Budget Department and Management ang quick response fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly ayon kay Secretary Rolando Bautista.

“Nag-usap na po kami ni [Budget] Secretary Wendel Avisado at nagpapasalamat po ako sa kanya kasi sinabi po niya na ire-replenish po niya ang QRF ng DSWD,” saad ni Bautista sa isang briefing kasama ang Pangulo.

Aniya mayroong P226.1 milyong standby fund ang DSWD para sa QRF.

Sa pondong ito, P184.7 milyon ang nasa Central Office habang ang natitira ay nasa mga field office.

Dagdag nito na halos P52.4 milyon ang unang nailabas para sa mga biktima ng bagyo.

“‘Yung mga ibang family food packs po natin ay naka-preposition po ‘yan sa mga daungan o kaya sa mga airport in case there will be an available air or naval assets, they will be immediately pushed to Region 5, particularly Catanduanes,” lahad ni Bautista.

Una na nang naipadala ang 59,000 family food packs sa Region 5 nitong Nobyembre 2 hanggang 10.

Habang ang halos 19,000 ay pinamahagi sa Metro Manila at Regions 3, 4A, at 4B.

Iniulat din ni Bautista na halos dalawang milyong Filipino ang apektado ni Rolly habang mahigit 33,000 kabahayan ang winasak nito at 128,000 ang nagtamo ng bahagyang pinsala.

Samantala, halos 25 ang nasawi dahil kay Baygong Rolly. RNT/ELM

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here