Dawn bet ni Claudine

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

SI Dr. Claudine Roura ay isa sa pinaka-underrated na beauty doctor sa bansa.

Una na dito, ay dahil hindi siya isang social media animal na haling na haling sa atensyon.

Ang kanyang tanging paraan ng marketing ay ‘word of mouth’ o bukambibig. Siya ang isang halimbawa ng tinatawag na ‘tahimik pero napakahusay’.

Iisa lang ang pamantayan ni Dr. Roura at ito ay ang umukit ng ‘healthy partnership’ sa kanyang mga pasyente upang matamo ang gusto nilang mangyari sa kanilang katawan.

Inaalis ni Dr.Roura ang sobrang taba, inaayos ang hubog ng katawan sa pinakamagandang paraan at ang pagpapanatili nito ay nakasalalay sa pasyente na may palagiang konsultasyon sa eksperto.

“Our treatment is just a push. Hindi siya ‘this is it!’ If you do not maintain what you achieved, you will still gain weight. This should not only be a way to achieve your goals faster but more importantly, an add-on to a healthy lifestyle,” paliwanag ni Dr. Roura.

Tinatarget niyang endorser ngayon ay si Dawn Zulueta.

Si Dr. Roura ng Roura Aesthetic Institute (dating Contours PH), ang Best Vaser Liposculpture Surgeon sa bansa simula pa 2008. Siya ay nag-i- Specialize sa Beverly Hills style Facelift – Auralyft, nakikita niya ang hinaharap ng Liposculpture sa ating bansa sa positibong paraan.

Siya rin ang kauna-unahan sa kasaysayan at nag-iisang qualified Cosmetic Surgeon na sertipikado sa Vaser High Definition Liposculpture.

Nagtapos siya ng Medicine and Surgery s sa University of Sto. Tomas sa Maynila at kinumpleto ang residency training sa Dermatology sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here