Davis sama na sa LA training camp

0
2

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Add to cart ang Lakers sa free agency nitong nakaraang linggo, nag-shopping ng ipapalibot kina LeBron James at Anthony Davis.

Technically, hindi pa pumipirma si Davis, pero halos garantisado nang lalapat ang tinta ng kanyang pen sa papel.

Tinasahan ang mga hinugot sa napaaga ring training camp na nagsimula na nitong Dec. 1, walang isang buwan bago ang 2020-21 start sa Dec. 22.

Hanggang 20 players ang puwedeng bitbitin sa closely-monitored camp, pero 17 lang ang dala ng Los Angeles.

Ang mga bagong salta: Wesley Matthews, Dennis Schroder, Montrezl Harrell, Marc Gasol.

Kasama sa training camp roster sina James, Davis, Kentavious Caldwell-Pope, Alex Caruso, Kyle Kuzma, Markieff Morris, Talen Horton-Tucker, Alfonzo McKinnie, Devontae Cacok, Kostas Antetokounmpo, Tres Tinkle, Zavier Simpson, Kevon Harris.

Kinumpirma ni Jared Dudley ang ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na babalik siya sa LA. Pang-18 siya, kung hindi magbabawas ang Lakers.

Hindi pa garantisado ang lineup na ‘yan, p’wede pang mabago anumang oras. (Vladi Eduarte)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here