Danao iniupo nang NCRPO chief

0
1

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Pormal nang isinalin ni dating National Capital Region Police Office director at ngayon ay Philippine National Police chief P/MGen Debold Sinas ang liderato kay dating Police Regional Office 4-A director P/BGen Vicente Danao Jr sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa turn-over ceremony,  pinasalamatan ni Danao ang kanyang mga nakasama sa PRO 4 kasabay nang pahayag ng full support sa liderato ni Sinas.

Pinasalamatan din ni Danao  si Sinas dahil sa  malasakit at pagmamahal nito hindi lamang sa kapulisan kundi sa buong bayan habang ipinangako nito na ipagpapatuloy ang lahat ng magagandang polisiyang naiwan ng bagong hepe ng pambansang pulisya.

Sa kanyang tugon sa pahayag ni Danao, sinabi ni Sinas na malaki ang tiwala niya na ipagpapatuloy ng kanyang kapalit sa puwesto ang kanyang mga nasimulang trabaho.

Ayon kay Sinas, ilan sa mga bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagpapaigting ng laban kontra ilegal droga,korapsyon at anti terrorism.

Nakiusap si Sinas sa ilang natitirang tiwaling pulis na magbago at itigil na ang mga kalokohan. Lea Botones

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here