Dalagita, 4 pa nasagip sa sex trafficker

0
13

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Isang dalagita at apat pang kababaihan ang nasagip sa kamay ng isang sex trafficker sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa report ng Women and Children Protection Central-Luzon Field Unit at DSWD, ang 23-anyos na sex trarfficker ay nakorner habang nasa isang motel sa Brgy. Potrero, ng nasabing lunsod.

Nabatid kay Women and Children Unit Chief Police Lieutenant Col. Jun Rodrigueza, na sa pamamagitan ng SMS o txt messages ay naisasakatuparan ng suspek ang pakikipagtransksyon sa mga parokyano.

Nakumpiska ng pulisya sa salarin ang P12,500 na marked money at cellphone na ginagamit nito sa kanyang pakikipag-deal

Mariin namang itinanggi ng batang sex trafficker ang kinakaharap nitong kaso.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here