Curfew sa Navotas babawasan

0
0

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Plano ng Navotas City government na paikliin ang pinaiiral na curfew, upang bigyan daan ang nalalapit na pagdaraos ng Simbang Gabi.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, hihilingin nito sa Sangguniang Panglungsod na amyendahan ang curfew ordinance, upang makadalo ang mga residente sa Misa De Gallo. Maglalabas naman ng guideline ang mga simbahan kaugnay ng pagdiriwang.

Sa kasalukuyang piniiral na curfew sa Navotas alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang itinakdang oras ng hindi paglabas sa gabi ng mga may kabataang may edad 17 pababa. (Orlan Linde)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here