COVID-19 cases sa health workers 12,178 na

0
4

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Pumalo na sa 12,178 ang kaso ng COVID-19 sa health workers makaraang madagdagan pa ng 291, batay sa weekly situationer report ng Department of Health.

Sa kabuuang datos, nakarekober na ang nasa 11,910 habang 76 naman ang nasawi.

Patuloy ring binabantayan ang aktibong kaso na nasa 192.

Buhat naman sa 291 karagdagang kaso, 85 ang mula sa nurse; 34 sa radiologic technologists; 30 sa doktor; 18 sa nursing assistants.

Iniulat din na mula sa 192 active cases, 92 ang may mild symptoms; 67 ang asymptomatic; 18 ang severe symptoms; 11 ang nasa critical condition; at apat ang moderate symptoms. RNT/FGDC

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here