CONGRATULATIONS, NEWLY PROMOTED PCGA EXECUTIVE SQUADRON REAR ADMIRAL

0
4

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

BINABATI ng inyong lingkod ang ilan sa ating mga kaibigan sa pangununa nina Rear Admiral Jimmy Tuplano, Dr. Robert Sy, isang kilalang humanitarian surgeon, Dr. Benito Goyokpin at Kelly Sia na pawang matataas na opisyal ng Philippine Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI) na nagmamay-ari ng Chinese General Hospital and Medical Center na nitong nakaraang Huwebes, November 27, 2020.

Kasama ring na-promote sa ranggo bilang Rear Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary Executive Squadron group sina PCGA Gregorio Ko, Alex Co, Wilson Hong, Johnny Mendoza at Joseph Sy.

Personal akong inimbitahan ni Rear Admiral Tuplano para masaksihan ang donning and oath-taking ceremony na pinangunahan ni Vice Admiral Leopoldo V. Laroya, PCG, na siyang deputy commandant for operations ng Philippine Coast Guard sa function hall ng National Headquarters sa Port Area, Manila.

Sa kanyang simpleng mensahe, pinasalamatan ni Vice Admiral Laroya ang mga PCGA Executive squadron dahil sa malaking suportang ipinagkakaloob nito sa PCG na sa panahon ng COVID-19 global pandemic ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang tumulong sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa quarantine ng mga overseas Filipino worker (OFW) na umuwi o pinabalik ng bansa.

Nagkaloob ang PCGA Executive squadron ng mga kinakailangang face mask, face shield, alcohol, over-the-counter medicines at food pack para sa mga PCG uniformed personnel na nakapronta sa laban.

Matapos manalasa sa Catanduanes at Albay ang Super Typhoon Rolly (Goni), ang PCG ang siyang kaagad na tumulong sa mga lugar na labis na pininsala ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taong 2020.

Kamakailan lamang ay nagtungo si Dr. Sy, kasama ng PCG sa Legaspi City, Albay at iba pang kalapit na lugar at namahagi ng ayuda sa mga kababayan nating Bikolano.

Sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 522,600 pamilya o katumbas ng 2.03 milyong indibidwal ang pininsala ni ST Rolly na nagtala ng higit limang bilyong pisong pagkasira sa agrikultura at Php 12.86 billion sa imprastraktura sa Regions I, II, III, CAR, CALABARZON, MIMAROPA, V, VIII at NCR.

Ang PCG din ang kaagad na tumugon sa pag-rescue ng mga kababayan natin sa Cagayan at Isabela na nakaranas ng biglaang pagtaas ng tubig dulot ni Typhoon Ulysses.

Lumubog sa baha ang dalawampu’t dalawa sa mga bayan ng Cagayan kabilang ang Tuguegarao City habang sa Isabela ay labing-siyam, kabilang ang Cauayan City at Ilagan City.

Sa dalawang lalawigan, nasa 158,111 ang pamilyang naapektuhan o katumbas ng 607,942 katao.

Nagbabalak ang PCGA Executive squadron na magtungo sa Cagayan at Isabela para tumugon sa pangangailangan ng mga kababayan natin sa lugar na sinalanta.

Ang inyong lingkod at Agarang Serbisyo Lady ay isa ring one-star rank official, Commodore ng PCGA Executive Squadron.

Muli congratulations, Rear Admiral Tuplano, Dr. Sy, Dr. Goyokpin at kay Sir Kelly sa promosyon at salamat sa patuloy na pagtulong at pag-alalay sa PCGA lalo pa’t kailangan talaga natin ang bayanihan ngayon higit kailanman ay marami ang nangangailangan nito.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here