Cone sa Game 4 : Bawal Kampante

0
11

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Mga laro bukas (AUF gym)
3:45 pm – Meralco vs. Ginebra
6:30 pm – Phoenix vs. TNT

Smart Clark Giga City – Kung hindi naging mabagal ang umpisa ng Meralco, malamang iba ang istorya ngayon.

Flat ang mga bataan ni coach Norman Black, naiwan agad 37-12.

Nakaahon, nakapanindak pa sa 6 points pero naubusan na ng oras.

Isinuko ng Bolts ang 91-84 loss sa Ginebra Linggo ng gabi at 2-1 deficit sa PBA Philippine Cup semifinals.

Kung tutulog-tulog pa rin ang Meralco, posibleng mapigil na ang misyon na makasampa sa finals sa unang pagkakataon sapul nang bilhin ang prangkisa ng Sta. Lucia noong 2010.

Game 4 ng best-of-five bukas sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City.

Namumurong bumalik ng Finals ang Gin Kings, pero inaasahan ni coach Tim Cone ang power surge muli ng Meralco, tulad noong Game 2 nang bumawi para itabla ang series via 95-77 win.

Bukod doon ay ang pagiging relaxed ng kanyang team na porke abante na ay petik-petik na lang.

“It’s parang … For us, we have a cushion. May kusyon, you know…” ani Cone. “And we can … Parang, we can be a little bit kampante. That’s what we have to fight as coaches – to make sure that our guys don’t fall into that trap.” (Vladi Eduarte)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here