Concepcion ginulat si Que

0
8

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Matikas na winagayway ni Fidel Concepcion ang mainit na mga iron at putter sa ilalim nang makulimlim at mahanging panahon saka binalewala ang pagod sa huling butas ng Langer upang sorpresang hablutin ang one-stroke lead kay Angelo Que sa five-under 66 sa pagsambulat ng ICTSI Riviera Championship nitong Martes sa Silang, Cavite.

Ang bogey sa par-4 18th ang bumulilyaso sa explosive round ng former Southern Utah University standout, na kumpiyansa sa P2.5M event laban sa Philippine Golf Tour’s big guns dahil sa pagtabla sa seventh kay Miguel Luis Tabuena sa ICTSI Riviera Invitational Challenge sa kanunog na Couples course tatlong linggo na ang nakararaan.

Sumapol siya ng three birdies sa front sa magagarang palo, nag-birdied sa tatlo sa unang apat na butas sa backside ng par-71 layout. Pero sumalto sa mas maangas sanang round sa 18th green miss saka nagtaas-baba uli pa-32-34 card.

“I was so tired (sa 18th green) and couldn’t control my shot,” kuwento ni Concepcion, 24, lumaki sa Sydney, Australia at No. 15 sa 2019 PGT Order of Merit ranking.

Umabot si Que, fourth placer sa Couples, sa six holes bago naka-first birdie. Tapos ng birdie sa 10th, nag-bogey sa No. 12, nag-birdie ng dalawa sa sumunod na tatlo, nagladlad ng pambihirang puwersa para maka-eagle sa 16th at makasilip sa unahan, pero tumiklop lang sa kasunod na bogey pa-34-33.(Ramil Cruz)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here