Caretaker ng bar nasamsaman ng droga, granada

0
4

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Isabela, Philippines – Isang caretaker ang nasamsaman ng hindi lisensyadong pampasabog na granada at droga matapos na salakayin ng pulisya ang kanyang binabantayan bar sa Brgy. Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Warnel Gabuyo, 29-anyos, binata na residente ng San Antonio, Kabisera 17, Ilagan City, Isabela.

Sinalakay ng mga operatiba at pinangunahan ni PCapt. Christopher Danao, hepe ng PNP Reina Mercedes ang binabantayan Beua Bar ni Celso Coloma na matatagpuan sa naturang lugar.

Sa paghalughog ng pulisya sa kuwarto ni Gabuyo ay narekober ang ilang piraso na bala ng cal. 45, hand granade at dalawang pakete ng pinaniwalaang shabu kabilang ang ilang parapernalya sa paggamit ng iligal na droga.

Nahararap sa kasong may kinalaman sa Violation of Section 11 Art II of RA 9165 si Gabuyo na pansamantala nasa pangangalaga ng nasabing himpilan ng pulisya. REY VELASCO

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here