Buntis utas sa ratratan ng militar, BIFF

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

SINAWINGPALAD na masawi ang isang buntis na nabagsakan ng bomba sa kasagsagan ng paglikas sa nangyaring gulo, Martes ng gabi sa Barangay Pusao sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Sa inisyal na ulat, nangyari ito alas-10:00 ng gabi. Kwento ng bayaw ng biktima na si Mursid Mamolintao, nagpakawala ng mortar ang militar.

Paglikas nila ay natamaan sa leeg ang ginang na pitong-buwang buntis. Itinakbo sa Maguindanao Provincial Hospital ang biktimang si Rabiyah Damada Lakim, pero hindi na ito naisalba pa.

Matindi ang tensyon sa lugar kasunod ng palitan ng putok sa pagitan ng militar at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Wala pang pahayag ang militar kaugnay sa insidente. (Kiko Cueto)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here