BONG GO: IPATUPAD NANG NAAAYON SA BATAS ANG COVID-19 VACCINE ROADMAP

0
1

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

PORMAL nang naiprisinta ng National Task Force for COVID-19 ang pitong (7) yugto ng implementasyon ng vaccine roadmap ng bansa, kasama na ang mga naaayong ahensya ng pamahalaan na may responsibilidad sa magpapatupad nito.

Kaya naman ang panawagan ni Senator Bong Go ay siguraduhing naaayon sa umiiral na batas ng bansa ang pagpapatupad nito pati na ang pagsisigurado na maisasakatuparan ang mga layuning itinakda nang binuo ito.

Ayon kay Sen. Go na siyang chairman ng Senate committee on health, nararapat lang na gawing accessible, available at affordable ang bakuna para sa Filipino, lalong-lalo na sa mga mahihirap at vulnerable sector sa bansa.

Sa laki ng gagampanang papel ng bakuna upang tuluyang mawakasan ang laban ng bansa kontra COVID-19, mahalagang sa panahong ito ay may malinaw na plano na ang pamahalaan kung paano tayo makakukuha ng bakuna, na sa kabutihang palad ay ginagawa na ng administrasyong ito.

Nagtutulong-tulong ngayon ang iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan upang masiguradong hindi makukulelat ang Pilipinas pagdating sa pagkakaroon ng access sa mapatutunayang epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Dahil din sa lumalaking pangangailangan sa pondo ng Pilipinas upang maipantustos sa iba’t ibang programa ng pamahalaan bilang bahagi ng ating patuloy na laban kontra COVID-19 ay nararapat lang ding siguraduhin na walang bahid ng korapsyon ang mga transaksyong ating papasukin upang tuluyang makakuha ng bakuna.

Sa pagkakataong ito, buo naman ang tiwala ni Sen. Go kay Gen. Carlito Galvez na siyang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang vaccine czar, na masisigurong tamang proseso ang mananaig sa pagbili ng bansa ng bakuna.

Kaliwa’t kanan ang paglabas ng mga opinyon tungkol sa kung ano ba ang dapat gawin ng pamahalaan pagdating sa usapin ng pagbili ng bakuna at nakatutuwang malaman na bagama’t wala pang opisyal na COVID-19 vaccine na nabibili sa merkado ngayon ay naghahanda na ang bansa para sa magiging hakbang nito upang masiguradong makatatanggap nito ang bawat Filipino.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here