Big-time tulak timbog sa P3.4M shabu

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Umabot sa P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang big-time drug pusher na nasakote ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Balibago, Angeles City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Central Luzon PDEA director Christian Frivaldo ang suspek na si Jayzon Jiongco Crisotomo, 27-anyos at residente ng Navotas City. Hindi nakapalag si Crisostomo nang posasan ng mga operatiba matapos tanggapin ang ilang bundle ng pera mula sa undercover agent kapalit ng 500 gramo ng shabu.

“Matagal na naming namin sinusubaybayan ang iligal na operasyon ng suspek hanggang sa masakote ng aking mga tauhan sa isang bust-bust operation,” pahayag ni Frivaldo ukol kay Crisostomo na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Rudy Abular)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here