Bianca paramdam sa Florida golfest

0
5

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Pinaramdaman ni 71st Ladies Professional Golf Association Association (LPGA) Tour 2020 driving leader Bianca Pagdanganan sina world No. 2 Sei Young Kim ng South Korea at eight-time LPGA Tour winner Brittany Lincicome ng Estados Unidos sa 18 holes ng Pelican Women’s Championship sa Pelican Golf Club sa Belleair, Florida Huwebes.

May impresibong back nine ang Pinay pro rookie pro pero sumalto sa pagbawi sa mahanging pagtatapos sa 39-34 o three-over 73 para sa 16-way tie sa 63rd spot , siyam na palo ang layo kay solo leader German Sophia Popov na may nagliliyab na 64, may two-stroke lead kay South African Ashleigh Buhai (66).

Lumundag ang 23-year-old Quezon City native sa No. 12 bogey sa three birdies pagkaraan na nagpa-wow kina Kim at Lincicome at makabentahe pa sa Koreanang flightmate at iba sa $2M event bago ang trahedya para sa ICTSI ace golfer na nawalan ng isang palo sa par-4 No. 16.

Una siyang nadisgrasya sa tatlong bogey at double bogey sa first six holes ng frontside upang umabot sa projected cutoff score niya para sa 107-player starting feld na kinabibilangan din ni world No. 1 Korean Young Ko na may 72 at kabilang 17 nasa ika-43 puwesto. (Ramil Cruz)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here