Basketball di pa uubra sa Valenzuela

0
2

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Sinaway ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga sabik nang muling makapaglaro ng basketball at iginiit na bawal pang buksan ang mga basketball courts sa lungsod taliwas sa kumakalat na post online.

“Valenzuelanos, under pa din tayo ng GCQ hindi pa allowed ang pagbubukas ng mga basketball court sa lungsod,” ani Gatchalian.

Hinimok din ng alkalde ang nasasakupan na mag-antabay sa mga anunsyo mula sa IATF at lokal na pamahalaan para sa mga opisyal na alintuntunin.

Nabatid na ang nasabing online post ukol sa pagba-basketball ay mula sa Baybay City, Leyte na nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine at hindi para sa lahat. MERLY IRAL

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here