Bangsamoro guwardiyado ngayong Pasko

0
0

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

INATASAN ni Philippine Army chief Lieutenant General Cirilito Sobejana ang mga tropa ng pamahalaan na bantayang maigi ang mga galaw ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para maiwasang maghasik ng karahasan ang mga ito sa Mindanao.

Ginawa ni Sobejana ang panawagan kasabay ng serye ng pag-atake ng BIFF sa Maguindanao province.

Noong December 3, higit kumulang 50 BIFF at Dawlah Islamiya members ang umatake sa Datu Piang at sinunog pa ng isang police vehicle.

Nitong Martes, namatay ang isang buntis nang tamaan ng improvised explosive device, na galing umano sa mga miyembro ng BIFF, sa Barangay Pusao, Shariff Saydona Mustapha. (Kiko Cueto)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here