Balintawak market bagsakan ng droga

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang babaeng negosyante matapos makuhanan ng 217 kilo ng marijuana na nagkakahalagang mahigit sa P26 na milyon sa isinagawang buy bust operation na pinangunahan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group Linggo ng umaga sa may Balintawak market sa Quezon City.

Kinilala ni Police Brig. Gen. Ronald Lee, PDEG Director ang nadakip na suspek na sina Dianne Irene Rodriguez Camablicer, 37, negosyante, Louie Mark Cuballes Cuerdo, 29, drayber; at Angelo Buenaventura Pascual.

Ayon kay Lee, alas-7:40 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang puwersa ng Special Operation Unit 3 ng PDEG na pinamumunuan ni Police Lt. Hazel Mabilin, Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Offcie (RID-NCRPO), PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at La Loma Police Station laban sa mga suspek.

Isang police poseur buyer ang nakipagkita sa mga suspek sa EDSA Highway sakop ng Barangay Apolonio Samson, Balintawak.

Naaresto ang mga suspek habang nasa 127 brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 1 kilo kada brick ang nakuha sa mga ito na nagkakahalagang P26,040,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEG sa Camp Crame ang mga suspek. (Edwin Balasa)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here