Bagyong `Vicky’ nag-landfall sa Davao, hinagupit Mindanao

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Tuluyan nang nag-landfall sa Davao ang bagyong `Vicky’ kung saan sa walang tigil nitong pag-ulan ay hinagupit na ang malaking bahagi ng Mindanao.

Sa ulat, nabatid na matinding baha ang inabot ng ilang residente sa Purok 3, Barangay Poblacion sa Rosario, Agusan Del Sur kung saan hanggang bubong na halos ang tubig-baha. Maging ang palengke at at terminal ay apaw na.

Di rin nakaligtas sa landslide ang ilang lugar sa Sitio Depot, Barangay Upper Ulip sa bayan ng Monkayo, Davao Del Oro. Maging ang mga pananim sa Pantukan ay hinagupit na rin ng bagyo.

Dahil sa senaryo ay nagsilikas na ang mga residente.

Napanatili ng tropical depression Vicky ang lakas nito at huli itong namataan sa Monkayo, Davao De Oro.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here