Anak ni Echanis hinuli sa Cagayan

0
0

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

SDC
Kasama ang isang buwang gulang niyang sanggol ay dinakip ang anak ng pinatay na NDFP peace consultant at Anakpawis chairperson na si Randy Echanis.

Inaresto sa Baggao, Cagayan si Amanda Lacaba Echanis, isang organisador mula sa Amihan Peasant Women Cagayan, noong madaling-araw ng Disyembre 2 dahil sa mga kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives.

Sa ngayon, nakapiit si Amanda kasama ang kanyang isang buwang gulang na sanggol sa Criminal Investigation and Detection Group – Region 2 headquarters.

Giit ng mga pulis, nagpasya si Amanda na isama ang kanyang baby.

Ayon naman sa Anakpawis, tinanim ang mga ebidensyang baril at ibang armas laban kay Echanis. Giniit din ng grupo ang agarang pagpapalaya sa organisador dahil kapapanganak pa lang niya.

“We assert that Echanis was arrested on planted evidence. She just gave birth to her first child,” sabi ng Anakpawis sa Facebook page nito kagabi.

“We call on her immediate and unconditional release on just, humanitarian grounds,” dagdag ng grupo.

Giit ng awtoridad, wala silang nilabag at may bitbit daw silang search warrant nang arestuhin si Echanis.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here