ALAGANG ISKO

0
2

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

JACKPOT ang mga Manileño kay Mayor Isko Moreno dahil halos doble o triple pa ang mga matatanggap nilang Pamasko mula sa lokal na pamahalaan ngayong taon.

Bawat isa sa tinatayang 650,000 pamilya sa Maynila ay makatatanggap ng Christmas package at financial assistance mula kay Yorme na magtitiyak, lalo na sa mahihirap na pamilya sa lungsod, na kahit papaano’y may mapagsasaluhan sila para sa paparating na Kapaskuhan.

Kasabay nito, mayroon pa silang ipamimigay na limang (5) kilong organic na bigas mula Mindanao at bukod pang Christmas package na handog para sa mga senior citizen sa lungsod.

Hindi pa riyan nagtatapos ang Pamaskong handog ni Yorme sa Manileño dahil may hiwalay pang financial assistance ang bawat solo parent at estudyanteng nasa senior high school at nag-aaral sa PLM at UDM.

Ano pa ba ang mairereklamo ng mga residente ng lungsod na bukod sa mas malinis at kaaya-aya na ang bagong bihis nang Maynila ngayon, nabibigyang-prayoridad pa ang mga biyayang tulad nito na hindi naman naibibigay sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

Paniguradong marami ngayon ang napapa “Sana all” sa tinatamasang biyaya ng mga Manileño dahil sa kaliwa’t kanang handog ni Yorme para sa kanila.

Ibang klase ang pag-aalaga ni Mayor Isko sa Maynila at mga residente nito kaya naman kitang-kitang mas umuunlad ang lungsod at mas nagkakaroon ng disiplina ang mga naninirahan dito.

Hindi rin nagpapahuli ang Maynila sa pagpapatupad ng mga programang may kaugnayan sa patuloy na laban ng bansa kontra COVID-19.

Ilan sa mga ito ay ang patuloy na antigen testing sa lungsod at ang paglalaan ng pondo ng lokal na pamahalaan para sa nalalapit na pagbili ng bakuna laban sa nakahahawang sakit.

Bigtime ngayon ang mga Manileño dahil isa si Yorme Isko sa mga nakaupong alkade ngayon na may tunay na malasakit at pagmamahal sa kanilang pinamamahalaang lungsod.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here