Aiko, Ara patalbugan sa boyfie

0
16

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

NI: ARCHIE LIAO

Ilang bitchy netizens ang nang-iintriga kina Aiko Melendez at Ara Mina pagdating sa kanilang lovelife.

Kung dati raw ay magka-kumpentensiya sila sa lalake, ngayon daw ay tila may kumpetensiya rin sila sa lovelife.

Sa kanyang mga post, aminado si Aiko Melendez na natagpuan na niya ang kanyang partner sa katauhan ni Zambales Vice Governor Jay Khongkun.

Nagkatampuhan man sila dati pero, naayos din ito kaya naman back in each other’s arms ang magdyowa.

Tila ayaw raw namang patalbog si Ara dahil sa pralala nito ay aminado siyang happy siya sa piling ng kanyang current inspiration na si Dave Almarinez.

Katunayan, kasal na lang daw ang kulang sa kanila ng kanyang boyfriend.

Hirit pa niya, ramdam daw niya ang malinis na intensyon ng nasabing government official sa kanya.

Dagdag pa niya, naipakilala na rin daw siya sa mga magulang at kapatid ng kanyang boyfie.

Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagkakasangkot ng dalawa sa kanilang mga ex: sa actor-politician na si Jomari Yllana at Bulacan Mayor Patrick Meneses, na ama ng anak ni Ara na si Amanda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here