Aguilar tumulong sa taga-Marikina

0
2

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Dinala ni Raymond Aguilar ang Barangay Ginebra San Miguel.

Pero hindi sa laro nila kundi sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses sa bansa.

Sa Instagram post ng basketbolista, nagtayo siya ng programang ‘RJACares’ na layuning magpaabot ng relief packs sa mga taga-Marikina na labis na binaha.

“Bangon Marikina! Sensya na po medyo natagalan.. papunta na kami..,” caption ni Aguilar sa naunang IG post.

At dahil kabarangay ang 6-foot-5 forward ng Gin Kings nakipagtulungan ang crowd darlings para marami ang maipaabot niyang ayuda.

“Konting tulong mula sa Barangay Ginebra San Miguel at RJA Cares,” dugtong pa niya. (Aivan Denzel Episcope)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here