Aguilar, Tenorio babawi sa Game 3

0
3

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Game 3 ngayon (AUF gym)
6:00 pm – TNT vs. Ginebra
(Gin Kings lead series 2-0)

Smart Clark Giga City – Aasintahin ng Ginebra ang 3-0 lead laban sa TNT sa best-of-seven series ng PBA Philippine Cup mamaya sa Smart 5G-powered AUF gym.

Lumalapit sa titulo, pero hindi nagpapa-goyo si coach Tim Cone.

“We know … that we have to find the best of ourselves to continue to win games in this series,” aniya sa bisperas ng Game 3. “Otherwise, the tide could turn very quickly.”

Babalik at babalik ang Tropang Giga na posibleng may Ray-Ray Parks na ngayon mula calf strain, mahirap maiwan sa 3-0.

Si Aljon Mariano ang nag-step up sa 92-90 Game 2 win noong Miyerkoles, nag-deliver off the bench nang mangapa buong laro ang core nina Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at LA Tenorio.

Pumutok kalaunan si Pringle ng 34 points, pero si Mariano ang pumukpok. Nagtistis si Pringle ng 14 points at may 10 si Mariano sa 32-point third quarter ng Gins kaya hindi nakalayo ang Tropang Giga.

Kahit combined 0 of 5 sa field sina Tenorio at Thompson sa first 47 ½ minutes, hindi sila inalis ni Cone. Maging si Aguilar ay 2 of 5 lang.

“We’ve been doing this for three to for years, Scottie playing big moments in the Finals, so we trust those guys,” giit ni Cone. “Especially Scottie hit that big three-pointer in the Meralco series and now he comes out with another big 3-pointer to give us the lead. … And we want to give the ball to LA so he can knock down free throws for us.”

Pinakawalan ni Thompson ang pang-agaw lead na 3 ungo sa 87-85 sa final 30 seconds, mula roon ay 5 of 6 sa stripe si Tenorio para selyuhan ang panalo. ‘Yun lang ang mga puntos ng dalawa sa laro, pero dumating kung kelan kailangan. (Vladi Eduarte)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here