5 sundalo nabaril ng Abu Sayyaf

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

LIMANG Scout Rangers ang sugatan sa nangyaring engkuwentro sa mga miyembro ng Abu Sayyaf group sa Sulu, ayon sa Western Mindanao Command.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu commander Maj. Gen. William Gonzales na nakasagupa ng mga tropa ng pamahalaan mula sa 3rd Scout Ranger Battalion ang mga terorista na siya ring nakaengkuwentro ng 5th Scout Ranger Battalion.

“The rangers were establishing blockade a few meters away from the first encounter site in Barangay Pansul, Patikul, Sulu when they encountered the fleeing enemies,” sinabi ni Gonzales.

Nagkaroon ng 30-minutong palitan ng putok. Tumakas ang mga rebelde na bitbit ang di pa madeterminang bilang ng mga namatay mula sa kanilang hanay.

“We are certain that the ASG incurred numerous casualties as evidenced in the bloodstains that [were found] in the encounter site,” sinabi ni Lt. Col. Felicito Cutit, Commander ng 3SRB.

Dinala naman ang mga sugatang sundalo sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para mapagamot. (Kiko Cueto)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here