5 hinawla sa pamamaril ng ibon

0
15

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

ARESTADO ng mga pulis at tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang isang grupo na may kinalaman umano sa pamamaril sa mga migratory birds sa Candaba, Pampanga.

Sinabi ng pulis sa paunang imbestigasyon na may 2 great egret na napatay ang grupo.

Anim ang suspek sa nasabing illegal hunting sa Barangay Paligui at kinilala ang lima sa mga suspek na sina Jaime Buenaventura, Pablo Cunanan, Jose Carlo Dizon, Michael Gamos at Vicente Pangan Rodrigo Canlas.

Nakuha sa grupo ang 4 na unit ng air rifle, 3 carbon dioxide (CO2) tank, 37 air gun pellets at ang 2 patay na great egret.

Sinampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Section 27 of Republic Act 9147 (Wildlife Resources and Conservation and Protection Act of 2001).

Doble dagok ito dahil sinampahan din sila ng paglabag sa Provincial Ordinance No. 756 in relation to Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018) dahil wala silang suot na face masks. (Kiko Cueto)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here