400 pamilya nilikas sa Cagayan, Isabela

0
11

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Halos nasa 400 pamilya ang puwersahang inilikas dahil sa pagbaha dulot ng tuloy tuloy na pag-ulan sa Isabela at Cagayan sa Region 2, ayon sa Office of Civil Defense-Region 2 (OCD-R2).

Ayon kay OCD-R2 information officer Francis Joseph Reyes, kabado pa ang mga tao dahil sa nakalipas na pagbaha dulot ng nakaraang bagyo kaya puwersahan na silang inilikas.

Sinabi ni Reyes na umabot na sa 388 na pamilya na may kabuuang bilang na 1, 033 indibidwal ang nailikas dahil sa mga pagbaha sa ibat ibang lugar sa Isabela at Cagayan.

Sa report ng OCD-R2, 384 na pamilya naman na may kabuuang 856 na indibidwal ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers, habang 54 na pamilya na may kabuuang 177 na indibidwal ang pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak o kakilala.

Ayon sa OCD-R2, posible pa umanong madagdagan ang bilang ng mga nag-evacuate dahil marami na ang nagkukusang lumikas. (Allan Bergonia)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here