38 iligal na package natisod

0
2

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Nabisto ng Bureau of Customs-NAIA ang 38 package na kinabibilangan ng 75 poker chip set at iba pang gambling paraphernalia sa Central Mail Exchange Center sa Pasay.

Walang mga permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga nakumpiskang item na nabuking ng mga BOC-NAIA frontliner nang isailalim sa X-ray inspection.

Kinumpiska ang mga ito dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Iti-turnover ang mga naharang na poker set, dealer chip at iba pang gambling paraphernalia sa Auction and Cargo Disposal Division para sa safekeeping habang hinihintay ang seizure at forfeiture proceedings para rito bago ibigay sa PAGCOR. (IS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here