30 parokyano sa KTV nilambat

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Nagwakas ang masayang inuman at kantahan ng 30 parokyano makaraang salakayin ng Quezon City Task Force ang isang KTV bar sa Timog Ave. sa Quezon City.

Agad namang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang Music 21 KTV Bar dahil sa paglabag sa ipinatutupad na ‘guidelines’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) habang tiniketan ng task force disiplina ang 30 parukyano kabilang ang manager ng bar.

Sa paliwanag ng manager, sumusunod sila sa social distancing at pagsusuot ng facemasks kung saan 10 lamang katao ang pinapayagan sa bawat VIP room na ang kapasidad ay 40 katao.

Nabatid sa IATF sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), bawal pa ang mga KTV bar.

Kaugnay nito, pinayuhan ng QC Task Force ang KTV bar management na sa city government na lamang umapela para mabuksan muli at hindi na magmulta ang nasabing establisyimento. (Dolly B. Cabreza)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here