3 “dagang dingding” timbog sa bato

0
5

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Timbog ang tatlong sabit sa droga na nasakote sa mga buy-bust operation sa Navotas at Valenzuela.

 Alas-11:30 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa P. De Vera St., Brgy. Sipac Almasen kung saan nasakote si Dennis Villanueva, 55, nang bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Inaresto rin si Ernando Borja, 37, na umiiskor din umano ng bato kay Villanueva.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang P14,960 halaga ng shabu, buy-bust money at P300 salapi.

Samantala, natiklo si Joseph Laganina, 35, sa operasyon sa P. Gomez St. Brgy. Maysan,  Valenzuela City, at nakumpiskahan ng isang gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 cash at at dalawang cellular phones. Merly Iral

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here