2,442 nadagdag sa kaso ng COVID-19; 11,430 gumaling; 54 nasawi

0
9

Credit: Read the original article from Remate.ph.

 

Manila, Philippines – Nakapagtala pa ng 2,442 na karagdagang kaso ng Covid-19 sa bansa habang 11,430 ang gumaling at 54 naman ang namatay.

Sa kabuuan, nasa  396,395 na ang tinamaan ng naturang sakit sa bansa at 361,638 naman ang nakarekober habang  7,539 naman ang pumanaw.

Sa mga bagong naitalang mga kaso ngayong araw, 2,200 o 90% ang nangyari sa nagdaang dalawang linggo mula October 26 hanggang November 8.

Ang mga probinsya at syudad na nakapagtala ng mataas na kaso ay Rizal na may 138.

Pumangalawa naman ang lungsod ng Maynila na mayroong 131, sa benguet,130 at 113 sa Batangas habang 112 naman sa Bulacan.

Sa 54 deaths, nangyari ang 39 ngayong November, 12 noong October at 2 noong september habang 1 noong August.

Ang mga pumanaw ay mula sa Region 6 na umabot sa 11; NCR,10; region 3,9; rewgion 4A,8; Region 11,5; CARAG,3; tig 2 naman sa Region 1,7,8 at 1 naman sa Region 9 at Region 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here