2 tinedyer patay, 4 sugatan sa salpukan

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

WALA ng buhay ang dalawang tinedyer habang apat ang malubhang nasugatan nang magsalpukan ang tricycle at kotse sa Barangay Harana, Luna, Isabela, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Luna Municipal Police Station (LMPS) ang namatay na sina Jonathan Donato, 16, at Mark Angelo Babaran, 17, kapwa taga-Barangay Canan, Cabatuan ng nasabing lalawigan.

Nasugatan naman sina Benedict Agustin, 17, driver ng tricycle; Jaymar Donato, 16; Emil Bartolome, 17; Jay-Ar Mandat, 21 anyos, pawang sakay ng tricycle na kasama ng mga namatay.

Sa imbestigasyon, ayon kay LMPS deputy chief-of-police P/Lt. Pedro Bunagan, nangyari ang insidente alas-11:44 ng gabi.

Ayon sa opisyal, galing umano ang Toyota Vios na minamaneho ni Ricky Abad, 26, ng San Andres, Cabatuan, Isabela ng bayan ng Cauayan.

Sa report ng LMPS traffic bureau, matiwasay na nagmamaneho si Abad nang mag-overtake ang tricycle at nakasalubong ang kotse. Wala pa umanong headlight ang tricycle at sinuwag ang sasakyan ni Abad.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon ng 10-metro ang tricycle. (Allan Bergonia)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here