2 pulis suspek sa pamumugot ng ulo

0
2

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

DALAWANG miyembro ng Cordillera Police Regional Office (CPRO) ang kinilala bilang suspek sa pagpatay sa isang residente sa Baguio City na pinugutan ng ulo at natagpuan kamakailan.

Ito ang sinabi ni Baguio City Police Office (BCPO) director P/Col. Allen Rae Co noong Huwebes sa kanyang media interview.

“We were able to identify (suspects),” ani Co. “Sadly, they are police officers assigned in the regional office, drug enforcement unit.”

Kinilala ni Co ang biktima na si Harjan Lagman, 25, na natagpuang pugot ang ulo noog November 12 sa damuhan sa Labey-Lacamen Road, Sitio Golan, Ambassador, Tublay, Benguet.

Ayon sa report, sinabi ng pulisya na si Lagman na nagtratrabaho bilang driver ay dinukot noong November 11 sa Baguio City at natagpuan ang kanyang labi na may balot sa leeg pero walang ulo.

Sinabi ni Co ang dalawang pulis na suspek, na hindi muna pinangalanan ay nadisarmahan na at sila ay nasa restrictive custody ng CPRO. (Allan Bergonia)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here