14 NCR estero pasiklaban sa DENR makeover challenge

0
5

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Pinagpipilian ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 14 na estero sa buong Metro Manila bilang may pinakamalinis na daluyan ng tubig para tanghaling Most Improve Estero.

Ang Gawad Taga-Ilog ay naglalayong kilalanin ang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan kabilang na ang mga barangay na inaalagaan ang mga estero, kanal at ilog sa kanilang nasasakupan. Nabatid na ang programang ito ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kabilang sa mga finalist ang Amorsol Creek sa Makati City, Bangkulasi River ng Navotas City, Pinagsabugan Creek ng Malabon, Sapang Alat River ng Caloocan, Park Creek 22 ng Marikina City at Magdaong River ng Muntinlupa City.

Kasama ang Tartar Creek ng Las Piñas City, Ermitano Creek ng San Juan City, Estero de Paco ng Maynila, Parian Creek ng Pasig, Lingunan Creek ng Valenzuela, Ilang Ilang Creek ng Quezon City at Estero de Sto. Nino ng Paranaque.

Ang mga netizen ang gagawing judge sa naturang patimpalak dahil paramihan ng likes at shares ang batayan sa tatanghaling panalo. Hanggang Disyembre 26 maaaring bomoto sa DENR Facebook page. (Dolly Cabreza)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here