12 sabungero dinakma sa tupada

0
1

Credit: Read the original article from Abante Tonite.

Binitbit ng mga pulis ang 12 katao habang masuwerteng nakatakbo ang mas nakararami na naaktuhang nagsasagawa ng tupada na kadalasang ginagawa tuwing Sabado o Linggo sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kasong illegal cockfighting/tupada ang isinampa sa 12 sabungero na kinilalang sina Genoroso Nocon, Romeo Monton, Jojie Castillo, Domingo Anit, Ryan Pabayo, Fernando Saflor, pawang residente ng Gen. Trias City, Cavite; Geronimo Tano, 42; Antonio Diloy, 50; Nemencio Nuestro, 60; ng Trece Martires City; Angelito De Leon; 45; Rufino Cuesta, 58, at Jomel Santiago, 27, ng Bacoor City.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang isagawa ang illegal gambling operation sa Grand River Side Subdivision sa Brgy. Pasong Camachile, General Trias City kung saan anim na kalalakihan ang inaresto.

Tatlo naman ang dinakip sa operasyon kontra tupada sa Brgy. Aguado, Trece Martires City dakong alas-3:10 ng hapon at tatlo rin ang naaresto sa sa Brgy. Maliksi 3, Bacoor City bandang alas-4:20 kamakalaw ang hapon.

Narekober sa tupada raid ang pitong manok (apat dito ang patay na), mga tari, at P4,000 cash na pusta. (Gene Adsuara)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here